--Ads--
Nakapasok na sa International Criminal Court sa The Hague, Netherlands sina Vice President Sara Duterte, former presidential spokesperson
Atty. Harry Roque at Senator Robin Padilla kaninang mag aalasingko ng hapon (PST).
Sina VP Sara Duterte ay dadalo sa gaganaping pre-trial ngayong araw kay dating Pangulong Rodrigo Duterte kaugnay sa kaso nitong crimes against humanity.
Mamayang alas nuebe ng gabi magsisimula ang pre-trial ng dating Pangulo.
Matatandaan din na isa sa accredited ICC lawyer ni Duterte si dating presidential spokesperson Atty. Harry Roque.
--Ads--
Ito ang pinakunang personal appearance ni Roque matapos siyang silbihan ng arrest order ng kamara sa kasong may kaugnayan sa ilegal na POGO.