--Ads--
Umabot na sa 17 ang nasawi at anim ang sugatan matapos na bumagsak ang mga bato sa isang quarry sa West Java, Indonesia.
Hindi pa kumpirmado ang bilang ng mga nasawi na ayon lamang sa ulat ng pamilya ng mga biktima.
Sa ngayon ay nagpapatuloy ang search and rescue operation sa naturang quarry.
Ang lugar kung saan nagbagsakan ang mga bato sa quarry sa Cirebon ay lubha umanong mapanganib
--Ads--
Iimbestigahan ng Energy and Mineral Resources Ministry ang sanhi ng pagguho at magsasagawa ng assessment upang tukuyin ang mga posible pang landslide.
Posibleng nakadagdag din sa sanhi ng pagguho ang undercutting method na ginagamit sa open mining area at ang matarik na dalisdis nito.











