--Ads--

Matagumpay na naaresto ng mga operatiba ng Quirino Police Provincial Office (PPO) ang Number 6 Most Wanted Person – Regional Level kaugnay ng kasong Qualified Rape of a Minor (3 counts) sa Barangay Disimungal, Nagtipunan, Quirino.

Ang nasabing kaso ay may walang inirekomendang piyansa, batay sa warrant of arrest na inilabas ng Regional Trial Court Branch 38 sa Maddela, Quirino.

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay PMaj. William Agpalza, ang hepe ng Maddela Police Station, sinabi niya na hindi nagpatinag ang mga operatiba sa kabila ng napakahirap na terrain patungo sa Sitio Kalbo na matatagpuan sa paanan ng bundok Sierra Madre.

Aniya, ang menor de edad na biktima ay kamag-anak ng suspek.

--Ads--


Lumalabas din sa rekord ng PNP na kasalukuyang may nakabinbin ding kaso si alyas Ruru mula naman sa Aglipay Police Station na may kaparehong kaso.

Sa ngayon ang suspek ay nasa pangangalaga na ng Maddela Police Station para sa kaukulang dokumentasyon.