--Ads--

Bilang bahagi ng paghahanda para sa nalalapit na pagdaraos ng Iglesia ni Cristo Peace Rally for Transparency, Accountability, and Justice sa Quirino Grandstand sa Maynila na gaganapin sa Nobyembre 16-18, 2025, nagpadala ang Police Regional Office 2 (PRO 2) ng isang libong pulis na magsisilbing dagdag na Civil Disturbance Management (CDM) contingent upang masiguro ang kapayapaan at kaayusan sa nasabing aktibidad.

Sa ginanap na send-off ceremony ngayong araw, pinangunahan ni PRO 2 Regional Director PBGEN ANTONIO P MARALLAG, JR ang aktibidad bago ipadala ang mga valley cops patungong Maynila.

Binigyang-diin ni PBGEN MARALLAG, JR ang tatlong mahahalagang punto sa kanyang mensahe para sa isang ligtas at matagumpay na misyon ng CDM: una, maglingkod nang may layunin; pangalawa, manguna nang may propesyonalismo; at pangatlo, manindigan nang nagkakaisa.

--Ads--

Ayon kay General Maralla, ang pagsusuot ng uniporme ng mga kapulisan ay hindi lang trabaho, kundi dangal at misyon. PInasalamat din niya ang mga pulis sa aniya ay walang kapantay na sakripisyo at sipag na ipinapamalas ng mga ito.

“The PRO 2 command prays for your safety and strength; and awaits your safe return, proud of your courage and another mission accomplished.”, dagdag PBGEN MARALLAG, JR.

Ang CDM ay isang aspeto ng tungkulin ng kapulisan, lalo na sa panahon na laganap ang iba’t ibang uri ng pampublikong pagtitipon, kilos-protesta, at mga posibleng kaguluhan. Ito ang nagsisilbing gabay upang mapanatili ang kaayusan nang hindi lumalabag sa karapatang pantao.

Ang naturang 1,000 CDM contingent ay dagdag sa higit 16,000 na kapulisan na magbibigay ng seguridad hindi lamang para sa publiko kundi pati na rin para sa mga tagapagpatupad ng batas sa nasabing peace rally.