--Ads--
Ipinamalas ni Alexandra “Alex” Eala ang kanyang lakas sa 2025 Southeast Asian Games matapos magwagi sa iskor na 6-1, 6-2 laban kay Mananchaya Sawangkaew ng Thailand laban para sa gintong medalya ngayong Huwebes.
Ito ang unang gintong medalya ni Eala sa Southeast Asian Games at ang kanyang ikatlong medalya ngayong taon matapos manalo ng dalawang bronze sa women’s team event at mixed doubles. Noong 2021, nagtapos siya sa bronze sa women’s singles event.
Ito rin ang ikatlong gintong medalya ng Pilipinas sa women’s tennis sa SEA Games, kasunod nina Pia Tamayo noong 1981 at Maricris Fernandez noong 1999.









