--Ads--

Boluntaryong sumuko si dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr ngayong gabi ng Lunes , Enero 19, 2026, sa Philippine National Police Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa Camp Crame.

Ito matapos na mailabas ngayong araw din ang kaniyang warrant of arrest dahil sa kasong malversation at falsification of public documents dahil sa ma-anomalyang P92.8-milyon na flood control project sa Pandi, Bulacan.

Kasama ng dating senador na nagtungo sa PNP-CIDG ang asawa nitong si Cavite Rep. Lani Mercado -Revilla.

Bago ang pagsuko ay nag-live pa ang dating senador sa kaniyang social media kung saan sinabi niya na tila walang due process ang kaniyang kaya mabilis ang paglabas ng kaniyang warrant of arrest.

--Ads--

Bago mnito naglabas ng opisyal na pahayag ang dating senador sa pagkakasangkot sa kaniya sa flood control anomalies.

Matatandaan na naglabas na ng arrest warrant at hold departure order ang Sandiganbayan laban kina dating Senator Ramon “Bong” Revilla Jr. at anim na iba pang kawani ng DPWH Bulacan 1st District Engineering Office.

Ito ay kaugnay ng kasong malversation of public funds na isinampa laban sa kanila kaugnay ng umano’y “ghost” flood control project sa Pandi, Bulacan.

Kasama rin sa inisyuhan ng arrest warrant sina Brice Hernandez, Arjay Domasig, Jaypee Mendoza, Emelita Juat, Juanito Mendoza at Christina Pineda, na pawang mga opisyal ng DPWH Bulacan.

Ito ay nag-ugat sa P92.8-milyong flood control project sa Pandi, Bulacan na napag-alamang “ghost project” o hindi naipatupad.

Batay sa imbestigasyon, pinaniniwalaang nagkunsabahan ang dating senador at ang mga nabanggit na opisyal upang mapalabas ang P76 milyon na pondo ng gobyerno para sa proyekto kahit na hindi ito naisakatuparan.