--Ads--
Tumestigo si Public Works and Highways Secretary Vince Dizon sa graft trial laban kay dating Ako Bicol Rep. Zaldy Co at iba pang akusado kaugnay ng P289-milyong flood control project sa Naujan, Oriental Mindoro.
Sa pag-inspeksiyon ni Dizon sa proyekto noong Setyembre 2025, natuklasang tatlong metro lamang ang steel sheet piles na ginamit sa road dike, malayo sa 12 metrong requirement sa proyekto.
Ang proyekto ay isinailalim sa imbestigasyon dahil sa umano’y paggamit ng substandard na materyales at iba pang iregularidad. Si Co ay kabilang sa mga kinasuhan kaugnay ng proyekto.











