Hindi bababa sa 12 katao ang nasawi at walo ang nasugatan matapos tamaan ng Russian drone ang isang bus sa Dnipropetrovsk sa timog-silangang Ukraine.
Ayon sa DTEK, pinakamalaking pribadong kompanya ng enerhiya ng Ukraine, bahagi ito ng malawakang pag-atake ng Russia sa mga minahan ng Carbon. Tinamaan ang bus na sinasakyan ng mga minero na katatapos lang ng kanilang shift.
Kinumpirma ng gobernador ng rehiyon na naganap ang insidente sa distrito ng Pavlohrad. Sinabi ng isang opisyal ng depensa ng Ukraine na isang Shahed drone ang unang tumama malapit sa bus, dahilan para ito ay bumangga sa bakod. Habang lumalabas ang mga pasahero, isang ikalawang drone ang umatake sa mga sibilyan.
Nagkaroon ng sunog dahil sa pag-atake ngunit agad din itong naapula ng mga awtoridad at dinala ang mga nasugatan sa pinakamalapit na ospital.
Ang pag-atake ay kasunod ng drone strike sa Zaporizhzhia nitong umaga ng linggo.








