Naaresto ng 1st Isabela Provincial Mobile Force Company ang No. 1 Provincial Most Wanted sa kasong statutory rape, isang 67-anyos na karpintero na kilala bilang alias “Ettu,” sa Barangay Villa Conception, Roxas, Isabela ngayong Pebrero 2, 2026.
Ayon sa PNP, isinagawa ang operasyon ng pinagsanib na puwersa ng 1st IPMFC, Roxas Police Station, Provincial at Regional Intelligence Units, at RMFB2, alinsunod sa warrant of arrest na inisyu noong Mayo 13, 2025 ng Regional Trial Court, Branch 16, Ilagan City. Walang inirekomendang piyansa ang korte.
Matapos ang pag-aresto, ipinaalam kay “Ettu” ang kanyang karapatang konstitusyonal ayon sa Miranda Doctrine. Sa kasalukuyan, siya ay nasa kustodiya ng Roxas Police Station bago ang pormal na turn-over sa korte.











