--Ads--

Nahaharap ngayon sa kasong Reckless Imprudence Resulting (RIR) in Homicide and Damage to Property ang isang nurse lulan ng kotse na aksidenteng nasalpok ang isang traysikel sa Bypass Road ng Purok 6, Barangay Bonfal Proper, Bayombong, Nueva Vizcaya.


Nagresulta ito sa pagkasawi ng biktima na kinilalang si alyas “Manny”, 72-anyos, may-asawa na driver ng sangkot na pulang tricycle.


Kinilala naman ang drayber ng kulay puting kotse na si alyas “Richie”, 40-anyos, binata na kapwa residente ng Brgy. Vista Alegre, Bayombong, Nueva Vizcaya.


Batay sa Bayombong Police Station, posible umanong Human Error ang dahilan ng aksidente. Lumalabas kasi sa inisyal na pagsisiyasat, nanggaling sa Hilagang direksyon ang traysikel na patungong Timog habang binabaybay naman ng kotse ang kabilang linya patungo sa kasalungat na direksyon.

--Ads--


Nang makarating sa lugar ng pinangyarihan, aksidente umanong napunta sa linya ng tricycle ang kotse na dahilan ng kanilang salpukan.
Nagtamo ng malubhang pinsala sa katawan ang driver ng tricycle na isang senior citizen na dinala sa R2TMC Hospital bagamat idineklara na patay ng attending physician


Sa ngayon, nahaharap sa nasabing kaso ang binata na pansamantalang nakalaya matapos maglagak sa ipinataw na piyansa.