--Ads--

Tinanggihan ng Sandiganbayan ang hiling ni dating senador Bong Revilla at ng kanyang co-accused na si Emelita Juat na mailipat sa kustodiya ng Philippine National Police (PNP).

Ayon sa korte, walang legal na batayan para sa matagalang detensyon sa PNP matapos ang issuance ng commitment order, at mas makabubuti ang pagkakakulong sa ilalim ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) para sa computation ng time allowances ng akusado.

Tinanggi rin ng korte ang iba pang motions nina Revilla at co-accused, kabilang ang hiling na i-consolidate ang kaso sa ibang graft case, at ang request na ibalik sa Ombudsman para sa reinvestigation.

Binanggit ng korte na ang mga galaw na ito ay makakaantala lamang sa kasalukuyang proseso, at ang Ombudsman ang may sole authority na magdesisyon sa tamang kaso batay sa ebidensya.

--Ads--

Nanatiling ipinatupad ang mga warrant of arrest at information laban kay Revilla, na kinasasangkutan sa umano’y P92.8 milyong anomalya sa flood control project sa Pandi, Bulacan.

Sumuko si Revilla noong Enero 19 at ikinulong sa Quezon City Jail Male Dormitory sa Payatas noong Enero 20.