--Ads--

Naniniwala si Jail Chief Inspector Susana Encarnacion na susi ang pagkakaroon ng maayos at magandang programa sa kalusugan at kapakanan ng mga bilanggo sa loob ng piitan para tanghalin ang BJMP Cauayan bilang best District Jail sa buong Rehiyon.

Ikinatuwa rin nito ang pagkakasungkit niya sa 2nd best jail warden sa buong rehiyon sa katatapos na awarding ceremony

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Jail Chief Inspector Susana Encarnacion ng BJMP Cauayan, sinabi niyang ito na rin ang ikalawang sunod na pagkakakuha ng Cauayan District Jail bilang best district jail sa rehiyon

Kabilang sa tinitignang dahilan ng warden sa pagkakakuha ng piitan ng best district jail ay ang mga programa sa health services gaya na lamang ng tuloy tuloy na apgtutok sa kalagayng pangkalusugan ng mga bilanggo, pgkakaroon ng regular na aktibidad at pagbibigay ng mga gamot

--Ads--

Bukod pa rito, kasama rin sa tinitignang dahilan ay ang pagkakaroon ng mga welfarw activities sa mga bilanggo gaya na lamang ng pagsasagawa ng ilang mga volunteers ng consultation maging ang ang pagsasagawa ng Alternative Learning System