--Ads--

Naglabas ang Manila Regional Trial Court (RTC) Branch 52 ng precautionary hold departure order (HDO) laban kay Sen. Jinggoy Estrada at iba pang kapwa res­pondents kaugnay sa kinakaharap na kasong plunder at iba pa.

Bukod kay Estrada, sakop din ng naturang precautionary HDO sina dating Department of Public Works and Highways (DPWH) Secretary Manuel Bonoan, at iba pang dating DPWH officials na sina Roberto Bernardo, Gerard Opulencia, at Henry Alcantara.

Ayon kay Department of Justice (DOJ) spokesperson Atty. Polo Marti­nez, sa naturang kautusan na may petsang Pebrero 10, inatasan ni Presiding Judge Juan Rañola, Jr. ang Bureau of Immigration (BI) na pigilan ang posibleng paglabas ng bansa ng mga naturang respondents at isama ang mga ito sa kanilang Hold Departure List.

Paliwanag niya, base sa mga testigo at mga supporting documents ng mga prosecutors, mayroong probable cause upang paniwalaan na ang mga respondents ay maaaring magtangkang umalis ng bansa upang umiwas sa pag-aresto at prosekusyon.

--Ads--

Paglilinaw naman niya, ang preliminary investigation sa kasong plunder, gayundin sa graft, direct bribery at corruption of public officers cases laban kay Estrada ay nakabinbin pa.