--Ads--

Natapos ang kampanya ni Alexandra Eala sa Dubai Tennis Championships matapos siyang talunin ni world No. 4 Coco Gauff, 6-0, 6-2, sa quarterfinals nitong Huwebes ng gabi.

Mabilis na kinuha ni Gauff ang unang set sa loob lamang ng 26 minuto. Ipinagpatuloy niya ang momentum sa ikalawang set at nakakuha pa ng apat na sunod na laro upang tuluyang makalamang, sa kabila ng pagsisikap ni Eala na makabawi.

Nagpakita ng tapang ang Pinay netter nang makabreak at makakuha ng magkasunod na laro sa second set, ngunit agad ding nakarekober si Gauff upang maselyuhan ang panalo at makausad sa semifinals.

Sa pagkatalong ito, tuluyan nang nagtapos ang kampanya ni Eala sa Middle East leg ng WTA Tour. Gayunpaman, malaking hakbang pa rin ito para sa batang Filipina star matapos ang kanyang kahanga-hangang pag-abot sa quarterfinals ng isang WTA 1000 tournament.

--Ads--