--Ads--

Umusad na sa semifinals ng WTA Finals si Wimbledon champion Linda Noskova matapos talunin si Coco Gauff sa iskor na 6-3, 6-3 sa kanilang laban sa Indian Wells nitong Martes.

Naging susi sa panalo ni Noskova ang apat na beses niyang pagbasag sa serve ni Gauff sa unang set at ang matatag na laro sa ikalawang set.

Samantala, muling nabuhay ang pag-asang makapasok sa semifinals ni Jessica Pegula matapos talunin si Marta Kostyuk ng Ukraine sa iskor na 6-2, 7-5.

Dahil sa pagkatalo, tuluyan nang eliminated si Kostyuk, habang sina Gauff at Pegula ang maglalaban para sa natitirang puwesto sa semifinals mula sa Group One.

--Ads--