--Ads--

Nakapagtala ang City Health Office ng 58 na kaso ng dengue sa Santiago City mula Enero hanggang Pebrero 20, na mas mababa kumpara sa 81 na kaso sa parehong panahon noong nakaraang taon, ayon kay Celeste Andres ng City Health Office.

‎Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Nurse May Celeste Andres, ang Sanitation Inspector II ng City Health Office, sinabi nito na umabot sa 490 ang kabuuang kaso ng dengue sa lungsod noong 2025, bumaba ng 28 na porsyento kumpara sa 2024.

‎Binanggit niya na mahalaga ang pagpapalakas ng search and destroy campaign laban sa mga lamok dahil kahit na may regular na fogging, nananatiling banta ang dengue dahil sa mga containers o lugar kung saan nangingitlog ang lamok.

‎Ipinayo rin ni Nurse Andres na dapat patuloy na linisin ng mga residente ang kanilang paligid, alisin ang stagnant water, at makiisa sa iba pang preventive measures upang mapigilan ang pagkalat ng dengue.

‎Binigyang-diin ng opisina na mahalaga ang aktibong pakikilahok ng publiko sa clean-up drives at iba pang programa laban sa dengue, lalo na sa panahon ng tag-ulan, upang mapanatiling mababa ang bilang ng kaso sa lungsod.