Binigyang-diin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mas malaking papel ng mga lokal na pamahalaan sa pagtatayo ng mga silid-aralan.
Sa ilalim ng kasunduan sa pagitan ng Department of Education (DepEd) at ng mga local government units (LGUs), ang mga LGU ang mangangasiwa sa procurement at konstruksyon, habang titiyakin ng DepEd ang kalidad at pamantayan ng mga proyekto.
Sa unang yugto, inilaan ang P9.6 bilyon para sa higit 4,000 silid-aralan, at dagdag na P5.96 bilyon para sa karagdagang 1,700 classrooms.
Binigyang-diin ng Pangulo na walang final payment ang ilalabas hangga’t hindi nava-validate ng DepEd na maayos at kumpleto ang bawat proyekto.
Sa ilalim ng 2026 national budget, mahigit P80 bilyon ang nakalaan para sa mga pasilidad ng basic education. Paalala ng Pangulo, dapat tiyakin na bawat piso ay nagagamit nang tama at maayos.










