--Ads--

Mahigpit ang seguridad sa paligid ng Malacañang complex kasabay ng paggunita sa anibersaryo ng People Power Revolution.

Ngayong araw, sarado ang dalawang gate papasok ng compound, partikular ang Arlegui Gate at Solano Gate dahil sa mga inaasahang kilos-protesta.

Sa bawat gate ay may mga nakaharang na barb wire. Naka-deploy rin ang mga tauhan ng Manila Police District (MPD) mula sa mga gate hanggang Ayala Bridge.

Sa kabila nito, tuloy ang trabaho sa loob ng Malacañang dahil hindi idineklarang holiday ang araw na ito.

--Ads--

Pinapayagan namang makapasok ang mga TNVS na naghahatid ng mga empleyado.

Bukas din ang Presidential Action Center sa ilalim ng Office of the President na nagbibigay ng tulong medikal at iba pang assistance sa mga nangangailangan, bagama’t kaunti lamang ang pumila ngayong araw.