--Ads--

Nanawagan ang Prosekusyon ng International Criminal Court (ICC) at mga abogado ng mga biktima na manatili sa kulungan si dating Pangulong Rodrigo Duterte habang dinidinig ang kanyang kasong crimes against humanity.

Binigyang-diin ni Julian Nicholls, ICC Prosecutor at Senior Trial Lawyer, na tumanggi si Duterte na dumalo sa apat na araw na confirmation of charges hearing at iginiit na hindi niya kinikilala ang hurisdiksyon ng ICC.

inawag pa niya ang kanyang pag-aresto bilang “kidnapping,” na ayon kay Nicholls ay patunay na hindi siya kusang babalik sa korte kung palalayain pansamantala.

Dagdag pa ni Nicholls, dati nang sinabi ng kampo ni Duterte na susubaybayan niya ang mga pagdinig sa pamamagitan ng livestream. Ngunit sa kasalukuyang hearing, kahit may waiver na siya, tumanggi pa rin siyang manood o sumubaybay.

--Ads--

Samantala, iginiit ni Joel Butuyan, abogado ng mga biktima, na malinaw na tatakas si Duterte mula sa hurisdiksyon ng ICC kung siya ay palalayain. Binanggit niya na mahigit 160,000 tagasuporta ni Duterte ang nanawagan sa Korte Suprema ng Pilipinas na maglabas ng writ of habeas corpus para sa pagbabalik ng dating pangulo sa bansa. Dagdag pa rito, nagsumite rin ng hiwalay na petisyon ang mga anak ni Duterte para sa kanyang paglaya.

Ayon sa ICC, natapos na ang confirmation of charges hearing noong Pebrero 23–27, 2026. Sa loob ng 60 araw, magdedesisyon ang mga hukom kung kukumpirmahin ang mga kaso at ituloy ang paglilitis o ibabasura.

Maaari ring humiling ng pahintulot ang depensa at prosekusyon na umapela sa magiging desisyon ng Pre-Trial Chamber I.

Ang susunod na hakbang ay ang deliberasyon ng ICC Judges, na inaasahang magbibigay ng desisyon bago matapos ang Abril 2026.