Napatay sa mga pag-atake ng Israel si Iran Defence Minister Amir Nasirzadeh at Revolutionary Guards commander Mohammed Pakpour.
Ang insidente ay nagdulot ng pangamba at tensyon sa rehiyon, kasabay ng mga ulat na nagsasagawa ng retaliatory strikes ang Tehran. Dahil dito, nagpatupad ang Israel ng mga hakbang pangkaligtasan gaya ng pagsasara ng mga paaralan at pagbabawal ng malalaking pagtitipon.
Samantala, ilang bansa sa Gulf region ang nagsabing kanilang na-intercept ang mga missile mula Iran, habang sa Syria, apat na katao ang naiulat na nasawi matapos tamaan ng isang gusali ng Iranian missile.
Patuloy na binabantayan ng mga bansang Europeo at Estados Unidos ang sitwasyon, at nananawagan sa Iran na itigil ang mga pag-atake upang maiwasan ang mas malawak na digmaan.






