Umaaray ngayon ang National Public Transport Coalition dahil sa malakihang dagdag sa presyo ng mga produktong petrolyo na bunga parin ng nagpapatuloy na kaguluhan sa Gulf Region.
Inihayag ni NPTC Chairman Ariel Lim na makailang ulit na nilang ipinanawagan ang pansamantalang suspensyon ng Oil Deregulation law subalit hanggang ngayon walang tugon rito ang Gobyerno dahil sa hindi matapos matapos na usapin ng Impeachment trial ni VP Sara Duterte.
Aniya kamakailan lamang ay nakipag ugnayan sila sa LTFRB kauganay sa hiling na dagdag singil sa pamasahe dahil sa tuloy tuloy na pagsirit ng presyo ng petrolyo at sa ngayon ang tanging sigurado sa plano ng LTFRB ay ang piso na dadagdag singil sa bawat kilometro, Bagamat welcome development ito may ilang grupo rin sa sektor ng transportasyon ang humihiling ng dalawang piso na fare increase gayunman hindi pa malinaw kung ano ang magiging tugon dito ng mga kinauukulang ahensya.
Muli ay nanindigan si Lim sa pagtutol niya sa pagbibigay ng ayuda para naman sa mga namamasada ng tricycle dahil sa problema sa listahan, giit niya na hindi ayuda ang kanilang kailangan kundi pangmatagalang solusyon para maresolba ang hindi ma kontrol na presyo ng langis sa bansa na nagreresulta sa pandaraya ng malalaking oil companies.










