--Ads--

Ipinagpaliban ang nakatakdang pulong sa pagitan ng Iran at mga bansang kabilang sa Gulf region na tatalakay sana sa mga posibleng kasunduan kaugnay ng Strait of Hormuz.

Ito ang kinumpirma ni Omani Foreign Minister Badr Albusaidi sa isang pahayag sa X, dating Twitter.

Orihinal na nakatakda ang pagpupulong ngayong Lunes at inaasahang tatalakay sa mga hakbang upang mapanatili ang seguridad at katatagan sa Strait of Hormuz, isa sa pinakamahalagang ruta ng pandaigdigang suplay ng langis.

Gayunman, hindi muna itinuloy ang pagpupulong at wala pang ibinigay na detalye ang Oman kung kailan ito muling isasagawa.

--Ads--

Ang Strait of Hormuz ay isang mahalagang daanang pandagat sa Gitnang Silangan kung saan dumaraan ang malaking bahagi ng suplay ng langis sa buong mundo, kaya’t mahigpit itong binabantayan sa gitna ng umiiral na tensyon sa rehiyon.