--Ads--

Sa gitna ng nagpapatuloy na tensyon sa pagitan ng Iran, United States at Israel, iginiit ni Ali Larijani, kalihim ng Supreme National Security Council ng Iran, na hindi makikipagnegosasyon ang kanyang bansa sa Amerika.

Ang pahayag ay inilabas ngayong araw, bilang tugon sa ulat ng The Wall Street Journal na nagsasabing nagpadala umano si Larijani ng inisyatiba upang muling simulan ang usapan sa Washington sa pamamagitan ng mga tagapamagitan mula sa Oman.

Mariin niya itong pinabulaanan at binatikos si US Pres. Donald Trump, na aniya’y nagtulak sa rehiyon sa kaguluhan dahil sa umano’y mga maling pananaw. Iginiit din niyang isinantabi ng US president ang “America First” at ginawang “Israel First,” at isinakripisyo ang mga sundalong Amerikano para sa interes ng Israel.

Mahalaga ang pahayag ni Larijani sa kasalukuyang sitwasyon, lalo’t sinabi ni Iranian Foreign Minister Abbas Araghchi na nananatiling bukas ang Iran sa diplomasya. Ayon kay Araghchi, dalawang beses nang nakipagnegosasyon ang Iran sa Amerika ngunit inatake umano sila habang nagpapatuloy ang usapan. Samantala, nagpahiwatig din si Trump na handa siyang makipag-usap, ngunit nilinaw na magpapatuloy pa rin ang operasyon ng Estados Unidos

--Ads--