Muling nagbalik-operasyon ang mga international flight sa Imam Khomeini International Airport sa Tehran, Iran matapos dumating ang isang Iraqi Airways flight mula Najaf.
Samantala, sinabi ng mga pwersang suportado ng Saudi Arabia na nakapagtala sila ng mga panibagong tagumpay sa kanlurang bahagi ng Taiz sa Yemen bilang bahagi ng “Dawn of Yemen” operations
Sa Saudi Arabia, iniulat ng civil aviation authorities na tatlong sibilyan ang nasawi at 36 ang nasugatan sa mga pag-atake ng mga Houthi rebels sa Abha at King Khalid International Airports nitong Martes at Miyerkules.
Bilang tugon, sinabi ng Saudi-led coalition na nagsagawa sila ng malawakang operasyong militar sa Yemen at winasak ang 82 target ng Houthi, kabilang ang mga imbakan ng ballistic missiles at ng mga armas.











