Anim na US service members ang napatay habang labing 18 ang sugatan sa isang direktang pag-atake ng Iran sa isang pansamantalang operations center sa isang sibilyang pantalan sa Kuwait noong Linggo ng umaga.
Ayon kay Defense Secretary Pete Hegseth, ang tinamaan ay isang “makeshift tactical operation center,” ngunit may isang projectile na nakalusot sa air defenses.
Batay sa ulat irektang tumama ang drone bandang alas-9 ng umaga, sa gitna ng gusali na inilarawan bilang isang triple-wide trailer na may mga opisina sa loob.
Aniya, biglaan ang pag-atake, walang babala o sirena upang makapag-evacuate ang mga tropa. Ilang oras matapos ang strike, nagliyab ang ilang bahagi ng gusali.
Unang iniulat ng CENTCOM na tatlong service members ang nasawi ngunit hindi tinukoy ang lokasyon, ngunit ang huling mga service members na kalaunan ay idineklarang killed in action ay hindi agad natagpuan.
Sa pahayag ng CENTCOM nitong Lunes, sinabi nilang “kamakailan ay narekober ang labi ng dalawa pang service members” mula sa pasilidad na tinamaan ng drone.
Ang anim na nasawi ang kauna-unahang casualties sa Operation Epic Fury, ang military operation laban sa Iran na nagsimula noong Sabado ng madaling araw (Eastern Standard Time). Ayon kay Hegseth at Pangulong Donald Trump, inaasahan pang madaragdagan ang casualties.







