--Ads--

Ipinahayag ni US President Donald Trump na magpapatuloy ang ginagawang pag-atake sa Iran sa ilalim ng kaniyang “Operation Epic Fury” at “Operation Midnight Hammer.”

Ang anunsyo ay ginawa ng Pangulo sa Medal of Honor Ceremony para sa tatlong US military service members na nasawi sa kasagsagan ng giyera.

Samantala, nakaalerto ang Estados Unidos sa posibleng pagganti ng Iran matapos ang missile strikes, bukod pa sa mga death threats laban mismo sa Pangulo ng bansa. Inaasahang mas titindi pa ang opensiba ng US laban sa Iran.

Ayon kay Bombo International News Correspondent Marissa Pascual, maraming Iranian ang tila nagsasaya dahil sa pag-atake ng US at Israel sa Iran, na nakikita nilang unang hakbang tungo sa kanilang kalayaan.

--Ads--

Umaabot sa higit isang libong target ang tuloy-tuloy na binobomba ng US sa iba’t ibang bahagi ng Iran, na itinuturing na pinakamalawak na pag-atake kumpara sa mga nakaraang operasyon sa Iraq.

Bagamat precise ang ginagawang opensiba, may ilang sundalo ng US ang nasawi at ilan pa ang nasugatan. Gayunman, inihayag ni President Trump na dapat paghandaan ang mas marami pang pagkasawi sa hanay ng US forces.

Kung matatandaan, ilang ulit nang nagbabala ang US sa Iran na itigil ang pagpatay sa mga Iranians.

Samantala, inaasahang mararamdaman na ang epekto ng digmaan dahil sa posibleng pagsirit ng presyo ng petrolyo, pagbaba ng turismo sa Gulf Region, at iba pang economic impact.

Sa kabila ng kaguluhan, nagpahayag na rin ng suporta ang mga kaalyadong bansa ng US sa ginagawang joint attack sa Iran.

Tinatayang nasa siyam na Iranian ships ang matagumpay na binomba ng US.