--Ads--

Nagkasundo ang United States at Denmark sa usapin ng seguridad ng Greenland, matapos ang ilang buwang tensyon dahil sa mga pahayag ni US President Donald Trump na nais niyang makuha o kontrolin ang teritoryo.

Ayon kay Trump, bibigyan umano ng kasunduan ang US ng permanenteng kontrol sa seguridad ng Greenland at kapangyarihang gumawa ng kinakailangang hakbang para sa depensa nito.

Kinumpirma naman ni Danish Prime Minister Mette Frederiksen ang kasunduan at sinabing palalakasin nito ang seguridad sa Arctic at North Atlantic, habang kinikilala ang soberanya ng Denmark at karapatan ng mga taga-Greenland sa self-determination.

Nakatakdang pirmahan ang kasunduan sa United Nations General Assembly sa susunod na linggo, ngunit kailangan pa itong dumaan sa proseso ng pag-apruba ng mga mambabatas.

--Ads--