--Ads--
Nanawagan si Chinese President Xi Jinping na maging magpartner sa halip na magkaribal ang China at Estados Unidos, ilang oras matapos siyang personal na salubungin ni US President Donald Trump sa Washington.
Ayon kay Xi, dapat magtulungan ang dalawang bansa para mapanatili ang matatag na relasyon, habang maayos na hinaharap ang kanilang mga pagkakaiba.
Kabilang sa inaasahang pag-uusapan nina Xi at Trump ang kalakalan, artificial intelligence, kompetisyon sa teknolohiya at ugnayan ng China sa Iran.
Samantala, inihayag ng US Treasury na pinalawig ang trade truce ng dalawang bansa hanggang Enero 10.
--Ads--











