--Ads--

Isinusulong ng Cauayan City ang mas pinaigting na digitalisasyon ng mga proseso, kabilang ang paggamit ng digital signature upang mapabilis ang pagpapatupad ng mga polisiya at programa.

Ayon kay Mayor Jaycee Dy, target ng pamahalaan na makabuo ng c kasama ang DICT para mas mapabilis ang transaksyon sa mga tanggapan. Layunin ng hakbang na ito na mapahusay ang serbisyo at masiguro ang transparency.

Kasabay nito, inanunsyo ang pakikipagtulungan ng isang grupo mula Maynila sa DICT para sa digital advertising, kung saan inalok ang Cauayan bilang pilot area. Inaasahang makatutulong ito upang mabawasan ang paggamit ng tarpaulin at iba pang materyales na nagdudulot ng basura.

Nagsimula na rin ang paglalagay ng digital signages at smart streetlights, kasama ang pagpapalawak ng internet connectivity. Target ng pamahalaan ang libreng Wi-Fi sa mga pampublikong kalsada, limitado sa messaging apps.

--Ads--

Sa oras na maisapinal ang MOA, gagamitin ang digital signature sa mismong pagpirma bilang simbolo ng pagsisimula ng makabagong sistema.

Nagpasalamat si Mayor Dy sa mga ahensyang sumusuporta sa layunin ng Cauayan City na maging moderno, makabago, at transparent sa serbisyo publiko.