--Ads--

Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na imposible pa sa ngayon ang pagpapauwi sa 1,416 Pilipino sa Middle East na humiling ng repatriation dahil sa tumitinding tensyon sa rehiyon.

Pinakamarami sa mga nais umuwi ay mula sa United Arab Emirates, kabilang ang mga nasa Dubai at Abu Dhabi, habang may iba rin mula sa Israel, Bahrain, Jordan, at Iran.

Ipinaliwanag ng Pangulo na sarado o limitado ang operasyon ng ilang paliparan matapos tamaan ng airstrikes, at delikado ang paglipad sa apektadong airspace.

Kahit magpadala ng sariling eroplano ang pamahalaan, hindi pa rin maisasagawa ang repatriation hangga’t hindi ligtas ang mga paliparan at ruta ng biyahe.

--Ads--

Pansamantala, pinapayuhan ang mga OFW na manatili muna sa ligtas na lugar.