--Ads--

Hinimok ni Vice president Sara Duterte ang mga kinauukulang ahensya ng pamahalaan na bantayan ang presyo ng langis at ang epekto nito sa mga pangunahing bilihin at transportasyon.

Aniya, batid niyang apektado ang lahat ng krisis sa suplay ng langis, kaya mahalaga ang pagtitipid sa paggamit ng enerhiya.

Kabilang dito ang pag-carpooling, pagbibisikleta, at pag-aayos ng iskedyul ng mga lakad upang mabawasan ang madalas na pagbiyahe.

Sinabi rin niya na dapat mahigpit na ipatupad ang mga hakbang laban sa hoarding at labis na pagtaas ng presyo.

--Ads--

Hinimok din ng pangalawang pangulo ang mga lokal na pamahalaan na iwasan muna ang mga non-essential na aktibidad na gumagamit ng langis, tulad ng mga parada sa festival.

Mahalaga rin aniya ang pagbuo ng mga komite upang mabantayan ang presyo ng bigas, mantika, pamasahe, at iba pang pangunahing bilihin na apektado ng presyo ng langis.

Dapat din aniyang palakasin ang suporta sa mga lokal na magsasaka at maliliit na supplier at pansamantalang bawasan ang pag-asa sa imported na produkto.

Idinagdag pa ni VP Sara na mahalaga ang pagbibigay ng advisory para sa fuel-efficient na distribution ng pagkain at pagbibigay ng insentibo sa pampublikong transportasyon.