Arestado ang isang 34-anyos na tricycle driver matapos maaktuhan sa isinagawang anti-illegal drug buy-bust operation ng mga operatiba ng kapulisan sa kahabaan ng Barangay Road, Capitol Hills Subdivision, Purok 5, Brgy. Alibagu, City of Ilagan, Isabela, bandang 6:53 ng gabi nitong Marso 7.
Kinilala ang suspek na si alyas Caloy, may asawa, residente ng Purok 1, Brgy. Alibagu, City of Ilagan.
I
naresto siya ng mga tauhan ng Drug Enforcement Unit (DEU) ng Ilagan City Component Police Station (CCPS) matapos magbenta ng hinihinalang ilegal na droga sa isang poseur buyer, sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency Regional Office 2 (PDEA RO2).
Nakumpiska mula sa suspek ang isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na ginamit bilang buy-bust item, isang Php1,000.00 bill na buy-bust money isang Oppo Android cellular phone na may itim/berdeng casing, P250.00 cash, isang brown leather wallet na naglalaman ng Driver’s License ID at karagdagang P250.00 cash at isang Black/Blue Euro Daan-Hari 150 motorsiklo kasama ang ignition key at asul na sidecar.
Agarang minarkahan, kinuhanan ng litrato, at isinailalim sa wastong imbentaryo ang mga ebidensya sa mismong lugar ng operasyon. Ginawa ito sa presensya ng naarestong suspek at ng mga insulating witnesses mula sa National Prosecution Service (NPS) at Barangay Kagawad ng Brgy. Alibagu, bilang patunay ng integridad ng operasyon.











