Timbog ang isang Street Level Individual (SLI) matapos masamsaman ng hinihinalang shabu sa isinagawang buy-bust operation sa Barangay Baluarte, Santiago City.
Kinilala ang suspek sa alyas na “Tor,” 32-anyos, driver at residente ng nasabing lungsod.
Nakumpiska mula sa suspek ang isang heat-sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na humigit-kumulang 0.42 gramo at may tinatayang Standard Drug Price na ₱2,856.
Nakuha rin mula sa suspek ang buy-bust money na nagkakahalaga ng ₱1,000.
Ayon sa ulat, isinagawa ang operasyon ng Police Station 3 bilang lead unit, katuwang ang City Drug Enforcement Unit (CDEU) ng Santiago City Police Office, sa koordinasyon ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA).
Kasalukuyang nasa kustodiya ng pulisya ang suspek at mahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
--Ads--











