--Ads--

Pasok na sa Round of 16 sa Indian Wells si Filipina tennis player Alex Eala matapos mag-retire ang World No. 4 na si Coco Gauff dahil sa injury sa kanilang inaabangang third-round match.

Nangyari ang retirement habang lamang si Eala sa score na 6-2, 2-0. Nakaranas si Gauff ng pananakit sa kaliwang braso at tumanggap ng treatment sa medical timeout sa huling bahagi ng set bago siya nagpahinga at tinapos ang laban.

Maghahanda naman si Eala para sa susunod na laban kontra sa Czech na si Linda Noskova para sa pagkakataong makapasok sa quarterfinals ng torneo.