--Ads--

Nagbabanta si US Pres. Donald Trump sa Iran na gagamit siya ng mas malakas na puwersa kung susubukan nitong pigilan ang pandaigdigang suplay ng langis.

Ayon sa mga ulat, tumaas ang presyo ng langis dahil sa nagpapatuloy na digmaan sa pagitan ng Estados Unidos, Israel, at Iran, na nagdulot ng pagkaantala sa daloy ng langis sa ilang mahahalagang ruta.

Sa isang pahayag sa Florida, sinabi ni Trump na hindi niya hahayaang hadlangan ng Iran ang pandaigdigang suplay ng langis at ipinahiwatig na handa siyang magsagawa ng mas matinding aksyon kung susubukan ito ng Tehran.

Kasabay ng tensyon, inihayag na pansamantalang aalisin ng administrasyon ang ilang parusa sa langis upang makatulong na pababain ang tumataas na presyo sa merkado. Bahagi ito ng hakbang upang tugunan ang epekto ng digmaan sa pandaigdigang merkado ng langis.

--Ads--

Dahil sa sigalot sa Iran, tumaas nang malaki ang presyo ng langis sa buong mundo, na umabot o lumampas sa mahigit isandaang dolyar kada bariles. Ito ay bunga ng pagkaantala sa transportasyon sa mga ruta gaya ng Strait of Hormuz at ng epekto ng mga atake sa mga pasilidad ng langis.

Patuloy na nagrereact ang pandaigdigang merkado ng enerhiya sa mga kaganapan sa digmaan, habang ang mga bansa at kumpanya ay naghahanap ng alternatibong suplay o nagbabawas ng produksyon dahil sa panganib at kawalan ng katiyakan sa rehiyon.