--Ads--

Sugatan ang isang lalaking rider matapos masangkot sa hit and run incident na naganap pasado alas 10 ng gabi sa bahagi ng Barangay Minante Dos, Cauayan City, Isabela.

Batay sa inisyal na impormasyon lulan ng isang single motorcycle ang biktima na si Victor Valente na patungo sa Barangay Minante Dos ng mabangga siya ng kasalubong na puting sasakyan.

Agad na rumesponde ang rescuers at nilapatan ng paunang lunas ang nakahandusay na biktima bago dinala sa pinakamalapit na pagamutan habang tumakas naman ang driver ng sasakyan nakabangga sa kaniya.

Sinisikap ng Bombo Radyo Cauayan namakipag-ugnayan sa kapulisan para sa karagdagang update sa insidente

--Ads--