Tututukan ng Lokal na Pamahalaan ng Santiago City ang mga reklamo hinggil sa umano’y overcharging ng ilang tricycle driver sa kanilang mga pasahero.
Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Vice Mayor Jamayne Tan ng Santiago City, sinabi nito na patuloy na tinutugunan ng pamahalaang lungsod ang nasabing isyu sa pamamagitan ng maayos na koordinasyon at bukas na komunikasyon sa mga opisyal ng transport groups sa lungsod.
Ayon sa bise alkalde, isa sa mga madalas na natatanggap na reklamo mula sa mga commuter ay ang paniningil ng labis na pamasahe at ang umano’y pagpili ng pasahero ng ilang tricycle driver.
Partikular na nabanggit ni Vice Mayor Tan na may mga pagkakataon na hindi naibibigay ang tamang diskwento sa mga senior citizen kahit may nakatakdang fare discount ang mga ito alinsunod sa umiiral na regulasyon.
Gayunman, sinabi ng opisyal na nauunawaan din ng pamahalaang lungsod ang kalagayan ng ilang tricycle driver na naapektuhan ng hirap ng buhay, ngunit iginiit nito na kinakailangan pa ring sundin ang tamang pamasahe at umiiral na mga patakaran upang mapanatili ang patas na serbisyo para sa mga pasahero.
Home Local News
Reklmo kaugnay sa overcharging ng mga namamasadang tricycle tututukan ng LGU Santiago
--Ads--











