--Ads--

Mahigpit na binabantayan ng Department of Trade and Industry (DTI) Isabela ang mga presyo ng basic commodities sa lalawigan.

Kasunod ito ng pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo na makakaapekto sa presyo rin ng mga produkto sa merkado

Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan kay Tessie Guitering Consumer Protection Division Chief ng DTI Isabela, isa sa mga tinitignan nila ngayon ang mga suggested retail price ng mga produkto sa merkado.

Sa ngayon naman aniya ay nakakasunod ang lahat ng mga business owners sa itinakdang SRP ng bawat basic goods.

--Ads--

Ikinatuwa rin ng Division Chief Guitering ang ginagawang aksiyon ng mga LGU hinggil sa pagkakaroon ng mga task force upang subaybayan ang galaw ng presyo ng mga produktong petrolyo.

Ayon sa kaniya, hindi na kasi sakop ng kanilang hanay ang pagmomonitor sa presyo ng produktong petrolyo kayat natutuwa ito sa aksiyon na ginagawa ng mga LGU.