--Ads--
Bumagsak ang Philippine Stock Exchange index (PSEi) sa 6,058.94 nitong Biyernes, kasabay ng pagsara ng Iran sa Strait of Hormuz, na maaaring magtulak sa presyo ng langis hanggang $200 kada bariles.
Pinangunahan ng sektor ng mining at fuel ang pagbaba, habang tanging sektor ng industriya ang tumaas. Tumaas ang kalakalan sa ₱13.84 bilyon, kabilang ang ₱9-bilyong block sales.
Ayon kay Luis Limlingan ng Regina Capital, ang pagbaba ng merkado ay dulot ng tensyon sa Middle East, posibleng pagtaas ng presyo ng langis, at paghina ng piso laban sa US dollar.
Sinabi naman ni Japhet Tantiangco ng Philstocks Financial na ang banta sa Strait of Hormuz ay nagpapalala ng pangamba sa merkado.
--Ads--











