--Ads--

Isinusulong ni Senate President Vicente Sotto III ang tuluyang pagbasura sa Oil Deregulation Law upang maibalik sa pamahalaan ang kapangyarihang magtakda at magkontrol sa presyo ng mga produktong petrolyo sa bansa, lalo na sa gitna ng epekto ng tensyon sa Middle East.

Sa pamamagitan ng inihain niyang Senate Bill No. 1984, layunin ni Sotto na wakasan ang malayang pagtatakda ng presyo ng mga oil companies sa bansa.

Ayon sa mambabatas, napapanahon na ang pakikialam ng estado dahil sa direktang epekto ng krisis sa pandaigdigang merkado sa bulsa ng mga ordinaryong Pilipino.

Sa ilalim ng Republic Act No. 8479, inalis ng gobyerno ang kontrol nito sa presyo ng petrolyo upang maging mas kompetitibo ang merkado pagdating sa suplay at presyo.

--Ads--

Gayunman, ipinaalala ni Sotto na bago maipasa ang nasabing batas, ang Energy Regulatory Board ang nagtatakda ng presyo ng petrolyo batay sa global oil costs at exchange rates.

Bukod dito, mayroong Oil Price Stabilization Fund na nagsisilbing panangga sa pabago-bagong presyo sa pandaigdigang merkado upang maiwasan ang biglaang pagtaas ng pump prices.