Iniulat ng Department of Agriculture (DA) ang pagtaas ng presyo ng bigas sa merkado kasunod ng pagtaas ng presyo ng langis, kung saan tumaas ang presyo ng lokal na bigas ng ₱3 kada kilo at ng imported rice ng hanggang ₱5 kada kilo.
Batay sa monitoring, ang presyo ng imported well-milled rice ay umakyat mula ₱43–₱49 noong Marso 9 patungong ₱45–₱49 noong Marso 18. Ang imported regular milled rice naman ay tumaas mula ₱37–₱46 patungong ₱42–₱45. Sa lokal na bigas, ang well-milled rice ay mula ₱40–₱54 naging ₱40–₱57, at ang regular milled rice ay mula ₱33–₱48 naging ₱35–₱47.
Dahil dito, iminungkahi ni Agriculture Secretary Francis Tiu Laurel ang pagpapatupad ng ₱50 kada kilo na price cap para sa imported rice upang mapanatili ang abot-kayang presyo ng palay ngayong anihan.
Sa kasalukuyan, may 36 pamilihan na nag-aalok ng abot-kayang bigas, at nakatakdang palawakin ito sa Cebu, Cavite, at iba pang lugar.
Sa kabila ng pagtaas ng presyo, tiniyak ng DA na sapat ang suplay ng pagkain sa bansa hanggang Hunyo o Hulyo dahil sa mataas na imbentaryo ng National Food Authority at kasalukuyang peak harvest season.









