Transport groups PISTON and BAYAN lead a protest march from Welcome Rotonda to Mendiola in Manila on March 20, 2026, marking the second day of a nationwide transport strike. On the second day that had paralyzed some major routes in Metro Manila, the groups are demanding the removal of Value Added Tax (VAT) and excise tax on fuel, condemning the Marcos administration for "criminal negligence" amid rising oil prices. Jonathan Cellona, ABS-CBN News
--Ads--

Nagbanta ang transport group na Pinagkaisang Samahan ng mga Tsuper at Operators Nationwide (PISTON) ng isang malawakan at malakihang Welgang Bayan sa Marso 27 kasama ang iba’t ibang grupo ng manggagawa sa bansa kung hindi maipapatupad ang dagdag singil sa pamasahe.

Ito ayon sa Piston ay kung patuloy na iisnabin ng pamahalaan ang hiling nilang taas-pasahe na aabutin ng P5 na dagdag sa minimum na pasahe sa jeep at pagtanggal sa VAT at excise tax sa langis.

Ayon kay Ka Mody Floranda, presidente ng ­Piston, pansamantala lamang na tulong ang fuel subsidy na naipagkakaloob ng pamahalaan sa mga driver ng pampasaherong sasakyan pero kung pagbibigyan ang kanilang mga demands, malayo na maghirap ang pamilya ng mga driver sa araw-araw.

Aniya, kasama sa gagawin nilang Welgang Bayan ang mga samahan ng mga estudyante, magsasaka, manggagawa at marami pang iba na nagmula sa iba’t ibang sektor ng lipunan para sabayang kalampagin ang pamahalaan sa aniya’y hindi na makatwirang pagtaas ng halaga ng petrolyo.

--Ads--

Sinabi ni Floranda na hindi dapat pinigil ni Pa­ngulong Ferdinand Marcos Jr. ang pagpapatupad sa pagtaas ng pasahe sa mga pampasaherong sasakyan dahil sa ang fare hike aniya ay isang mahusay na desisyon upang makabangon ang mga driver at operator ng mga pampasaherong sasakyan mula sa epekto ng lingguhang taas presyo ng petrolyo.

Sa kasalukuyan ay nasa higit P100 ang presyo ng kada litro ng diesel na gamit ng mga pampasaherong sasakyan lalo na ng mga dyip.