--Ads--
Napinsala ang dalawang food cart matapos ang isang hit-and-run incident na naganap sa Canciller Avenue, District 1, Cauayan City, Isabela.
Sa nakuhang impormasyon ng Cauayan City Component Police Station, nangyari ang insidente bandang alas-2 ng hapon ng ika-22 ng Marso at naiulat ito sa mga awtoridad dakong alas-3 ng hapon ng kaparehong araw.
Ayon sa inisyal na pagsisiyasat, nahagip ng pulang toyota vios mula sa timog na direksyon ang dalawang motorcycle food cart na nakaparada sa gilid ng daan dahilan upang mapinsala ang mga ito.
Hindi naman huminto ang driver ng sasakyan at tumakas patungo sa hilagang direksyon.
--Ads--
Nagpapatuloy ang isinasagawang imbestigasyon ng Pulisya upang matukoy ang pagkakakilanlan ng driver at mapanagot sa insidente.










