--Ads--

Patuloy na isinusulong sa lungsod ng Santiago ang pagbibigay ng livelihood assistance sa mga Persons with Disabilities (PWD) bilang bahagi ng pagpapalakas sa kanilang kakayahang kumita at maging produktibo sa lipunan.

‎Sa panayam ng Bombo Radyo Cauayan Kay Ginoong June Ortez, Federation President ng PWD, sinabi nito na malaking tulong ang ipagkakaloob na pangkabuhayan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa kanilang organisasyon.

‎Sinabi ni Ortez na ibibigay ang tulong sa kanilang federation matapos makita ng ahensya ang nauna na nilang sinimulang kabuhayan na xerox machine.

‎Dagdag pa niya, nakapagtatala na ng lingguhang kita ang kanilang proyekto na nagsisilbing suporta hindi lamang sa kanilang samahan kundi maging sa iba pang kapwa PWD sa lungsod.

‎Dahil dito, umaasa ang samahan na magpapatuloy ang ganitong mga programa upang lalo pang mapalawak ang oportunidad sa kabuhayan ng mga PWD at mapabuti ang kanilang kalagayan sa komunidad.