Isinailalim na sa full alert ang Quick Response Teams ng Department of Social Welfare and Development o DSWD bilang paghahanda sa posibleng epekto ng Bagyong Saudel.
Ayon kay DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao, nakaantabay ang mga quick response team sa central at field offices, kasama ang mga specialized equipment na gagamitin sa disaster response.
Mayroon nang 3,854,112 family food packs ang DSWD na naka-preposition sa iba’t ibang bahagi ng bansa, bukod pa sa P715.25 milyon na quick response funds.
Patuloy rin ang pamamahagi ng tulong sa mga naapektuhan ng mga nagdaang sama ng panahon. Batay sa DROMIC, umabot na sa P1.03 bilyon ang humanitarian assistance na naipamahagi sa 2,042,703 pamilya nationwide.
Nakikipag-ugnayan din ang DSWD sa mga social action center at simbahan upang magsilbing distribution points ng family food packs at mapabilis ang paghahatid ng ayuda.
Sa ngayon, nasa labas pa ng Philippine Area of Responsibility o PAR ang Bagyong Saudel.











