Naaresto ang dating prime minister ng Nepal na si KP Sharma Oli kasama ang dating home affairs minister na si Ramesh Lekhak dahil sa umano’y kinalaman sa pagkamatay ng dose-dosenang tao sa Gen Z protest noong nakaraang taon.
Isinagawa ang pag-aresto sa kanilang mga tahanan sa Kathmandu ng mga pulis at dinala sa himpilan ng pulisya. Naiulat na dinala si Oli sa ospital dahil sa kondisyon niya sa bato.
Ang pagkakaaresto ay makalipas ang wala pang 24 oras mula nang manumpa ang bagong prime minister na si Balendra Shah, dating rapper na nangakong magdadala ng hustisya sa mga napatay at labanan ang korapsyon.
Umabot sa 19 ang napatay sa protesta noong setyembre ng nakaraang taon nang pagbabarilin ng mga pulis ang mga kabataan na nagprotesta laban sa social media ban at lumalalang korapsyon.
Batay sa ulat ng gobyerno, posibleng patawan ng sampung taong pagkakakulong sina Oli, Lekhak, at dating hepe ng pulisya dahil sa kapabayaan sa crackdown.










