--Ads--

Higit 50 kumpanya at grupo mula sa Amerika ang bibisita sa Pilipinas mula Abril 13 hanggang 16 para sa isang agricultural trade mission, bilang bahagi ng pagpapalawak ng export opportunities sa bansa, na ika-10 pinakamalaking merkado ng US.

Layunin ng misyon na direktang ikonekta ang mga Amerikanong exporters sa local buyers at palakasin ang ugnayang pangkalakalan. Pangungunahan ito ni Michelle Bekkering, deputy undersecretary ng USDA para sa Trade and Foreign Agricultural Affairs.

Binanggit ng USDA na may malaking potensyal ang Pilipinas dahil sa populasyong 118 milyon, mabilis na lumalaking middle class, at mataas na demand sa US agricultural products. Kasama sa programa ang market briefings, site visits, at business-to-business meetings.

Kabilang sa mga dadalong kumpanya ang American Egg Board, American Peanut Council, MacDonald Meat, Potatoes USA, US Rice Producers Association, Tomex Foods Group, at Wonderful Citrus. Bahagi ito ng mas malawak na export promotion strategy ng USDA para sa 2026, kasama ang mga misyon sa Australia at Vietnam.

--Ads--