--Ads--

Inanunsyo ni United States President Donald Trump nitong Miyerkules, Abril 1, 2026, sa kanyang Social Media post na umanoโ€™y humiling ng ceasefire ang Iran sa Estados Unidos. Gayunman, iginiit ng Washington na tatalima lamang sila sa naturang kahilingan kapag muling nabuksan ang Strait of Hormuz.

Ayon kay Trump, sinabi umano ng bagong lider ng Iran na nais nitong magkaroon ng tigil-putukan. โ€œIranโ€™s new regime president, much less radicalized and far more intelligent than his predecessors, has just asked the United States of America for a CEASEFIRE!โ€ ani Trump sa kanyang post.

Subalit mariing pinasinungalingan ng Iran ang pahayag ng pangulo ng Amerika. Ayon sa tagapagsalita ng Ministry of Foreign Affairs ng Iran, walang katotohanan at walang basehan ang alegasyon na humiling sila ng ceasefire.

Magugunitang ang bagong Supreme Leader ng Iran ay si Mojtaba Khamenei matapos masawi ang kanyang ama na si Ali Khamenei sa isang air strike noong nakaraang buwan. Samantala, si Masoud Pezeshkian naman ang kasalukuyang pangulo ng Iran matapos manungkulan noong Hulyo 2024.

--Ads--

Dagdag pa ni Trump, isasaalang-alang lamang ng Estados Unidos ang ceasefire kung magiging โ€œopen, free, and clearโ€ ang Strait of Hormuz. Sa ngayon ay nagpapatuloy umano ang operasyon ng Amerika laban sa Iran.

Ang Strait of Hormuz ay isang makitid na kipot sa pagitan ng Persian Gulf at Arabian Sea na dinadaanan ng malaking porsyento ng pandaigdigang suplay ng langis at gas.

Ang pagbubukas o pagsasara ng nasabing ruta ay may malawakang epekto sa pandaigdigang ekonomiya at seguridad. Sa Pilipinas, una nang nakaapekto ang tensyon sa rehiyon kung saan sunod-sunod ang pag-anunsyo ng big-time oil price hike ng mga kumpanya ng langis, kasabay ng pagdeklara ni Ferdinand Marcos Jr. ng State of National Energy Emergency sa bansa.