Nagpapatuloy ang ginagawang search and rescue operation sa dalawang sakay ng bumagsak na Cessna civilian aircraft na tail number na RP-C2444 sa Barangay Navarro, Tubajon, Dinagat Islands.
Matatandaang natagpuan na ang wreckage ngunit nawawala ang piloto at isang pasahero.
Pasado ala-1 ng hapon nitong Aprtil 9,2026 nang mapaulat ang pagbagsak ng eroplano sa Mabundok na bahagi ng Barangay Navarro, Tubajon, Dinagat Islands.
Batay sa ulat ang eroplano ay umalis mula sa Subic Bay Freeport Zone dakong alas-9 ng umaga April 9,2026.
Unang nakarinig ang mga residente ng malakas na pagsabog bago natagpuan ang kinaroroonan ng eroplano.
Patuloy ang search and rescue operations ng Provincial Disaster Risk Reduction and Management Council (PDRRMC) at mga lokal na awtoridad.
Sa ngayon ay hindi pa malinaw ang sanhi ng pagbagsak ang Cessna Civilian Aircraft.






