--Ads--

Inihayag ng aktres at dating beauty queen na si Ruffa Gutierrez na nagkaayos na ang kaniyang ina na si Annabelle Rama at ang dating manugang nitong si Sarah Lahbati.

Ayon kay Ruffa, matagal nang nagkaayos ang dalawa matapos pumanaw ang kaniyang sister-in-law na si Alexa Uichico-Gutierrez, asawa ng kaniyang kapatid na si Elvis Gutierrez.

Sinabi rin ni Ruffa na pinili lamang nilang panatilihing pribado ang naturang pagkakasundo sa kabila ng mga batikos na natatanggap ni Sarah mula sa publiko.

Matatandaang naging karelasyon ni Sarah ang anak ni Annabelle na si Richard Gutierrez bago tuluyang naghiwalay noong 2024.

--Ads--

Umaasa naman si Ruffa na titigil na ang publiko sa panghuhusga at panghihimasok sa kanilang personal na buhay upang makapagpokus na lamang sila sa kapakanan ng mga anak nina Sarah at Richard na sina Kai at Zion.

Samantala, humingi rin ng panalangin si Ruffa para sa patuloy na paggaling ng kaniyang inang si Annabelle, na kamakailan ay dumaan sa isang hindi tinukoy na pagsubok sa kalusugan.